CLICK HERE FOR BLOGGER TEMPLATES AND MYSPACE LAYOUTS

Sunday, March 30, 2008

87-94367 That's Me!


Yes, that's my student number nabisto tuloy kung anong age ko (hehehe). Pero sa pic mukhang Neneng na nautusan na bumili ng suka sa kanto ( grrrr...) 'Yan lang at tanging 'yan lang ang aking kaisasang picture 'nung aking graduation... Di pa kasi noon uso ang mga portrait dito sa aming planeta... Kelangan pang lumuwas ng Maynila para magpakuha ng picture kay Toch Arellano (meron pa ba nun ngayon?), eh medyo may kamahalan din 'yun...Actually, meron akong mga litratistang kasama, ang aking mahal na kapatid at ang aking ex-BF (na asawa ko na ngayon), silang dalawa ang inatasan kong kumuha ng pics. Ewan ko nga ba at nung ipina-develop ko eh iba ang mga mukhang nandun. Sa dami ng Graduates, di daw nila ako makita...